Kumbinsido ang Department of National Defense (DND) na hindi talo ang Pilipinas sa halaga ng renta sa mga eroplano ng Japan na gagamitin ng bansa sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, maliit lang ang bayad sa limang TC-90 surveillance aircraft ng Japan na rerentahan ng bansa.
Pero, hindi pa masabi ni Gazmin ang eksaktong presyo nito dahil under negotiation pa lamang ito.
Nilinaw din ng kalihim na ang Japan ang nag-alok na ipagamit ang kanilang eroplano sa Pilipinas.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal