Inihayag ng Defense Department na kinukunsidera nila ang lahat ng pwedeng gawing hakbang para masolusyunan ang tensyon sa West Philippine Sea matapos mamataan ang presensya ng mga Chinese vessels.
Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Spokesperson, Arsenio Andolong na kabilang sa mga opsyon ay ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa Estados Unidos.
Ito’y makaraan ani Andolong na ihayag ni US State Department Spokesperson Ned Price na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas sa anumang pag-atake sa mga sasakyang pandigma nito sa West Philippine Sea sang-ayon sa mutual defense treaty.
Sa huli, iginiit ni Andolong na anuman ang mangyari, ipagtatanggol ng pamahalaan ang pambansang interes gayundin ang seguridad sa rehiyon.