Bukas ang Department of National Defense na magkaroon ng joint military exercise ang Pilipinas sa mga bansang China at Russia.
Ayon kay DND Public Affairs Chief Arsenio Andolong, hindi na bago para sa bansa ang joint military training sa foreign counterparts ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Maliban anya sa Estados Unidos, mayroon ring regular na militar exercise ang Pilipinas sa Australia , Japan at iba pa.
By Len Aguirre
Photo Credit: Reuters