Hindi magrerekomenda ng ‘ceasefire’ o tigil-putukan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang Department of National Defense (DND) ngayong kapaskuhan.
Ito ang iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa planong muling pagbuhay sa usapang kapayapaan.
Tumanggi naman si Lorenzana na i-detalye pa ang dahilan sa pasyang huwag nang magrekomenda pa ng ceasefire.
Matatandang una nang sinabi ni Lorenzana na ginagamit lamang ng mga rebelde ang tigil-putukan para magpalakas ng puwersa. — ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)