Tatapusin muna ng pamahalaan ang krisis sa Marawi City bago tukuyin kung sinu-sino ang dapat managot sa pangyayari.
Ito’y ayon kay Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana ay upang mabigyang daan ang rehabilitasyon para sa muling pagbangon ng mga sibilyan doon.
Tanging magagawa lamang aniya sa ngayon ng militar ay pag-aralan ang kakulangan nila upang hindi na maulit sa iba pang lugar ang ginawa ng teroristang grupo.
Una nang inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng failure of intellegence sa panig ng pamahalaan kaya’t malayang nakapasok sa lungsod ang mga miyembro ng ISIS inspired group na sinamahan pa ng Abu Sayyaf at iba pang bandido.
- Jaymark Dagala