Hindi na nagbigay pa ng timeline ang DND o Department National Defense kung kailan tuluyang matatapos ang kaguluhan sa Marawi City.
Sa ginanap na Mindanao Hour sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatlong (3) beses na siyang nasunog sa kabibigay ng timelime.
Gayunman, umaasa ang kalihim na matatapos na ang bakbakan sa Marawi City bago ang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Aminado naman si Lorenzana na hindi sanay ang mga sundalo sa urban operations bukod pa sa napaghandaan ng Maute group ang paglusob sa Marawi City, dahilan kaya’t hindi pa matapos-tapos ang gulo sa nasabing lungsod.
Samantala, batay sa datos na hawak ni Lorenzana, umaabot na sa 84 ang nasawing sundalo, 366 sa panig ng mga terorista at 39 na mag sibilyang pinaniniwalaang pinatay at pinugutan ng Maute Group.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping