Nagpaabot ng pasasalamat si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagsasabatas sa RA no. 11939 na nag-aamyenda sa batas na nagtatakda sa fixed-term ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) o ra 11709, kung saan gagawin na lamang dalawang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon ang termino ng major service commanders.
Kabilang na dito ang mga commanding generals ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force at superintendent ng Philippine Military Academy.
Gayondin ang pagpapalawig pa ng isang taon sa serbisyo ng mga may ranggong 2nd lieutenant o mga itinalagang lieutenant general o vice admiral na mula sa dating edad na 56, magiging edad 57 na ang mandatoryong retirement age ng mga nabanggit na ranggo.
Kaugnay nito umaas si Galvez na mareresolba ng naturang batas ang mga hamon na kinahaharap ng AFP, partikular na ang demoralisasyon.