Kakasuhan ng Department of National Defense ang napatalsik na pangulo ng Veterans Federation of the Philippines.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dawit si Retired Army Col Bonifacio De Gracia sa usaping mismanagement, conflict of interest at korupsyon sa VFP.
Lumalabas sa reklamo na pinairal ni De Gracia ang Kamag Anak Corporation sa kaniyang pamunuan kung saan tumanggap ng malalaking sahod ang mga hindi kuwalipikadong kaanak nito bilang consultants ng ahensya.
Samantala, kahapon ay itinalaga si Dating Sandiganbayan Justice at World War 2 Veteran Manuel Pamaran bilang acting president ng VFP.