Kinumpirma ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi magkakaroon ng military exercises o pagsasanay sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa susunod na buwan.
Kasabay na rin ng kauna-unahang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Lorenzana, karaniwan nang walang nangyayaring military exercises sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Estados Unidos tuwing Nobyembre hanggang Disyembre dahil ito panahon ng pagpapahinga ng mga sundalo.
Dagdag pa ni Lorenzana, kanilang ding pakiki-usapan ang tropa ng amerika na huwag isabay sa pagbisita ni Chinese President Xi ang pagsasagawa ng port call visit ng kanilang mga barko sa Pilipinas.
Una nang tiniyak ng US Embassy sa Manila na walang nakatakdang joint exercises ang Amerika at Pilipinas sa Nobyembre.