Nakatakdang pirmahan anumang araw ngayong linggo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isang liham na magkakansela sa kontrata hinggil sa pagbili ng Pilipinas ng 16 na mga Bell Helicopters sa bansang Canada.
Ito’y ayon kay Lorenzana alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipag-utos ng Canadian Government na repasuhin ang kontrata na nagkakahalaga ng 233 Milyong Dolyar.
Pinatutsadahan din ni Lorenzana ang Canada at iginiit na hindi ito dapat nakiki-alam sa alinmang usaping panloob ng pilipinas kaya’t wala aniyang dahilan para ipaliwanag sa naturang bansa kung saan gagamitin ang mga bibilhing helicopters.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na naghahanap na sila ng iba pang bansa na maaaring mag-suplay ng mga helicopter tulad ng Russia, Turkey, South Korea at China.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio