Patuloy na minomonitor ng Department of National Defense ang sitwasyon sa Korean Peninsula matapos ang banta ng NoKor na apat (4) na Intermediate-range missiles ang kanbilang ibabagsak sa U.S. Pacific territory na Guam, ngayong buwan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, itinuturing nilang isang civil defense event sa halip na military issue ang tensyon sa pagitan ng Nokor at Estados Unidos.
Naniniwala anya sila na seryosong banta ang missile launch ng North Korea kahit wala naman itong direktang epekto saanmang panig ng Pilipinas.
Nananawagan naman si Lorenzana sa mga Filipino sa South Korea at Guam na iwasang mangamba subalit maging alerto at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy o Consulate.