Nagpaabot ng pakikiisa ang Department of National Defense sa lahat ng Pilipino ngayong pagdiriwang Araw ng Kagitingan.
Ayon sa DND, ang araw na ito ay pagbibigay-pugay sa mga beteranong lumaban at nag-alay ng lakas, tapang at buhay para ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas noong World War II.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang lahat na makiisa sa mga programang nagbibigay-pagkilala at parangal at alalahanin ang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
Umaasa ang DND na ang napagtagumpayan ng ating mga bayani ay magpatuloy at mag-alab sa puso ng susunod na henerasyon sa bansa.–-sa panulat ni Abie Aliño-Angeles