Sinibak sa puwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Armed Forces of the Philippines Deputy Chief of staff for Intelligence Major General Alex Luna.
Ayon kay Lorenzana, epektibo ngayong araw, Enero 28 ang kanyang nabanggit na kautusan.
Nag-ugat ito sa pagkakalathala ng isang maling listahan ng mga umano’y napatay ng militar na miyembro ng New People’s Army(NPA).
Sinabi ni Lorenzana, hindi ito katanggap-tanggap na pagkakamali lalu’t nanggaling ang listahan sa tanggapan ni Luna.
Aniya, ang naturang kapabayaan sa panig ni luna ay nagpapakita ng padalus-dalos na pag-uugali sa trabaho na nagreresulta sa kalituhan at pagkasira ng reputasyon. -– ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)