Naninindigan ang Department of National Defense (DND) na walang nilalabag na batas ang joint naval drills ng Pilipinas at Japan sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, wala pang nabubuong Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan bagamat pinag-uusapan na ito ng magkabilang panig.
Tiniyak naman ni Gazmin na dadaan sa constitutional process ang VFA ng Japan at kailangan pa itong i-ratify ng senado.
Sinabi ni Gazmin na hindi na dapat maulit sa papasuking VFA sa Japan ang mga naging palpak aniya sa VFA ng Amerika.
By Judith Larino