Inihayag ng Department of National Defense na prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng China at nasabing bansa.
Matapos makipagpulong kay US Secretary of Defense Lloyd Austin III, sinabi ni Defense Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr. na nag-aalala ang Pilipinas sa mga kaganapang panseguridad sa Taiwan strait.
Ngunit sinabi ni Faustino na tuloy-tuloy naman ang pag-a-update ng gobyerno sa mga contingency plans para sa tinatayang 130,000 hanggang 150,000 OFWs sa Taiwan sakaling mauwi sa hindi kanais-nais ang iringan ng dalawang bansa.