Tiniyak nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces Chief of Staff, Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero kay Vice President Leni Robredo na hindi nila susuportahan anumang hakbang upang isailalim ang bansa sa Revolutionary Government.
Alinsunod sa hiling ng Pangalawang Pangulo, binigyan ng AFP ng briefing si Robredo hinggil sa rehabilitation efforts sa Marawi na isinagawa sa Philippine Air Force Headquarters sa Villamor Air Base, Pasay City, kahapon.
Matapos nito ay napawi naman ang pangamba ni Robredo sa pagtitiyak nina Lorenzana at Guerrero.
Magugunitang pinalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang issue ng revolutionary government noong Oktubre na iniluluto umano ng kanyang mga kalaban sa pulitika partikular ang mga pulahan at dilawan o Liberal Party kung saan ang Bise Presidente ang chairperson.