Suportado ng Department of National Defense o DND ang alok na bahay at pangkabuhayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army o NPA na susuko at magbabalik loob sa pamahalaan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza, patunay ang nasabing hakbang ng senseridad ni Pangulong Duterte na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Dagdag ni Lorenzana, may mangilan-ngilang miyembro na ng NPA ang tumanggap at nagsisimula na ng bagong buhay.
Sa ngayon ay umaabot na sa 60 rebelde ang nagbaba ng armas sa Philippine Army simula nang masuspendi ang peace talks, kung saan pinakabago ang walong NPA members na sumuko sa Sultan Kudarat kahapon.
(Ulat ni Jonathan Andal)