Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na mananatili ang opensiba nila laban sa ASG o Abu Sayyaf Group.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, sabay giit na sisikapin nilang mapulbos ang Abu Sayyaf sa loob ng anim na buwan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Lorenzana na sinimulan na ng militar ang paggamit ng TA-50 fighter jets laban sa mga bandido.
Kaugnay nito, positibo si Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na makakamit nila ang itinakdang deadline ng Pangulo hanggang sa Hunyo para pulbusin ang ASG.
Sniper delivery
Inaantabayanan na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang delivery ng sniper rifles mula sa Estados Unidos na inaasahang magpapalakas sa kanilang fighting capability laban sa mga terorista.
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 60 barrett sniper rifles ang nakatakdang mai-deliver sa Mayo.
Bukod dito, sinabi ni Lorenzana na target din niyang makabili ng Russian-made sniper rifles para sa AFP at kinakailangan pang sumailalim sa procurement process.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)