Magkaka-alaman na kung maaagaw ng Letran sa San Beda University ang korona ng Philippines National Collegiate Athletic Association (NCAA) o maipipilit ng San Beda ang do-or-die game sa game 2 ng finals ng NCAA.
Nagsimula na ang engkuwentro ng Letran Knights at San Beda Red Lions sa Mall of Asia Arena.
Tangan ngayon ng Knights ang 1-0 na bentahe sa serye matapos ang kanilang 65-64 na panalo sa game 1.
Ang panalo ng Knights sa game 1 ang kauna-unahang talo ng Red Lions sa Season 95 ng NCAA kung saan naipanalo nila ang lahat ng 18 laro sa elimination round.