Muling binuhay ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘Doble-Plaka’ Law matapos maunsyami ng mahigit isang taon.
Ito’y matapos lagdaan ni LTO chief Edgar Galvante ang revised implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11235 o ng Motorcycle Crime Prevention Law nakaraang linggo.
Sa revised IRR, nakasaad na kailangang gumamit ng mga motorcycle riders ng decal number plates na may laking 135mm by 85mm sa harap ng kanilang motorsiklo; habang 235mm by 135mm naman na laki ng plaka ang kailangang makita sa likod.
Sakaling lumabag sa panuntunan sa bagong plaka, pagmumultahin ng LTO ang rider ng P50,000 hanggang P100,000 at i-iimpound ang motorsiklo.
Marso ng taong 2019 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘Doble-Plaka’ Law subalit sinuspinde ito dahil sa matinding pagbatikos mula sa publiko, partikular sa mga grupo ng motorcycle riders.