Muling aapela sa Korte ang mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Ayon sa abogado ng ilan sa mga biktima na si Attorney Harry Roque, ito ay para madoble ang mga bayad bilang danyos sa mga kaanak ng mga biktima.
Aniya, hindi naman agad-agad makukuha ng mga ito ang naturang bayad habang nag-apela ang mga akusado.
Matatandaang pinagbabayad ng hanggang P23-milyon ang pamilya Ampatuan na akusado sa massacre.