Inaasahang mararamdamang muli ng mga mananakay ng Transport Network Company o TNC na Grab ang kanilang “Times Two” na singil sa pasahe.
Ito’y matapos payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ibalik ng naturang TNC ang kanilang dobleng surge cap.
Paliwanag ng LTFRB, kanilang inaprubahan ang hirit na ito ng Grab ngayong may mga bago nang TNCS o ride-sharing company na kanilang magiging ka-kumpitensya.
Magugunitang kamakailan lamang ay inatasan ng LTFRB ang Grab na gawing isa’t kalahati sa halip na doblehin ang kanilang surge rate makaraang huminto sa operasyon ang Uber.
Samantala, nananatili naman ang suspensyon ng LTFRB sa ipinataw na dalawang piso kada minutong charge ng Grab.