Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating presidente ng University of the Philippines na si Doctor Emil Javier bilang pinakabagong national scientist.
Ayon kay Pangulong Duterte, nanguna si Javier sa pagpapalaganap ng mga makabagong sistema para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda.
Kinilala rin ng palasyo ang pamumuno ni Javier sa Institute of Plant Breeding kung saan nakalikha ng mga panibagong root crops na makatutulong sa pagpapagaling ng ilang sakit.
Si Javier ay nanungkulan bilang presidente ng UP noong taong 1993 hanggang taong 1999.
Sa panulat ni Gene Cruz