Mapapanood na ang documentary film na “Olivia Rodrigo: Driving Home 2 U” ng 19-year old Filipino-American singer song-writer sa streaming platform na Disney sa March 25.
Maituturing na breakout star of 2021 si Olivia Rodrigo matapos ang smash hit at naging no. 1 sa billboard hot 100 chart sa loob ng walong linggo ang kanta nitong Driver’s License na naging top streamed song noong 2021 sa US maging sa buong mundo.
Sa nasabing documentary mapapanood ang buong detalye kung paano isinagawa ang kaniyang record-breaking album na “Sour”. – sa panulat ni Airiam Sancho