Aminado ang Department of Energy (DOE) na hindi sila nakiusap sa mga oil companies na unti-untiin ang pagpapatupad ng dagdag na presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).
Nitong Miyerkules ay epektibo na ang P7.55 na dagdag sa kada kilo ng LPG para sa halos lahat ng oil companies.
Katumbas ito ng mahigit sa P80.00 na dagdag sa kada 11-kilogram cylinder.
Ipinaliwanag ng DOE na ayaw nilang magpatung-patong ang mga dagdag sa presyo ng LPG sa mga susunod na araw kung uunti-untiin pa ang pagpataw ng dagdag presyo.
Ayon sa DOE, ang dagdag sa presyo ng LPG ay bunga ng mataas na presyuhan nito sa international market.
Tataas pa anila ito sa mga susunod na araw sa dahil sa implementasyon ng ikatlong bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.