Aminado ang Department of Energy (DOE) na hirap silang kontrolin ang pabago-bagong presyo ng langis sa bansa bunsod ng patuloy na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOE Assistant Secretary Gerrardo Erguiza na patuloy na hinihigpitan ang paglabas ng langis mula sa Russia.
Ayon kay Erguiza, maging sa iba pang mga bansa katulad ng US, Iran, at Venezuela ay patuloy ding nakakaranas ng krisis sa langis dahilan kaya nagkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo nito.
Sinabi ni Erguiza na kailangan munang matapos ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil nananatiling unstable ang langis sa buong mundo dahilan para mahirapan silang masiguro ang mababang presyo nito sa bansa.