Naglatag ng mga hakbang ang Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kuryente.
Ipinabatid ni DOE Undersecretary Sharon Garin, nagkasundo ang dalawang ahensya na gumamit ng value na pagbabasehan ng buwis o transanctional value scheme sa pag-import ng coal upang mapababa ang buwis kumpara sa reference value scheme.
Aniya, base sa kalkulasyon ng philippine independent power Producers Association sa pamamagitan ng transanctional value sa pag-aangkat ng coal ay makatitipid ng 10 hanggang 30 sentimo sa bawat kilowatt per hour.
Ang coal ay ginagamit pang gatong ng mga nagbebenta ng kuryente.