Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOE o Department of Energy at ERC o Energy Regulatory Commission sa petisyong kumukwestiyon sa 5 nitong circular at resolusyon na may kinalaman sa pangangasiwa ng retail electricity market.
Ang naturang circular ay ang mga sumusunod:
- DOE circular na nagtatakda ng panuntunan para pangangasiwaan ang full implementation ng retail competition and open access sa Philippine Electric Power Industry;
- ERC resolution No. 5 Series of 2016 na nagtatakda ng panuntunan sa pag-iisyu ng lisensya sa retail electricity suppliers ;
- ERC resolution No. 10 Series of 2016 na tumutukoy sa revised rules for contestability;
- ERC Resolution No. 11 Series of 2016 na naghihigpit sa operasyon ng distribution utilities at retail electricity suppliers sa competitive retail electricity market; at
- ERC Resolution No. 28 Series of 2016 na tumutukoy sa revised timeframe for mandatory contestability.
Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema para magsumite ng komento ang ERC at DOE.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo