Binatikos ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang kawalang-aksyon ng Department of Energy o DOE hinggil sa pag-shutdown ng ilang power plants sa gitna ng tag-init kung saan mas mataas ang demand sa kuryente.
Giit ni Zarate, hindi pa rin natututo ang DOE sa nangyari noong taong 2013 at 2017 kung saan nagdulot ng pagtaas sa singil ng kuryente ang pagkakaroon ng shutdown ng ilang power plants.
Malinaw aniya na legalized extortion ang nangyayari tuwing panahon ng tag-init na lubhang nakape-perwisyo sa mga consumers ngunit wala pa ring ginagawa ang DOE hinggil dito.
Magugunitang noong Martes at kahapon, Huwebes, ay muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.