Bumwelta ang Department of Energy sa nangyaring pagpalya ng mga planta ng kuryente noong Martes, Abril 16.
Ipinunto ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, hindi naman sabay-sabay o sunod-sunod ang power outage.
Ilan pa aniya sa mga ito ay naka-schedule na at pumaloob lamang bilang forced outage dahil hindi natapos ang repair o maintenance activities sa itinakdang oras.
Bukod dito, sinabi pa ng opisyal na humina rin ang kapasidad ng mga planta na makapag-generate ng kuryente.
Kaugnay naman sa idineklarang red at yellow alert status ng National Grid Corporation of the Philippines, sinabi ni ASEC. Marasigan na ito ay dahil sa pagpalya ng dalawang unit ng pagbilao Power Corporation. – sa panunula ni Laica Cuevas