Sinabihan ni Energy Secretary at PDP Laban-Vice Chair Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao na manahimik na lang kung hindi rin nito mapapatunayan ang alegasyon ng kurapsyon sa gobyerno.
Ayon kay cusi, ngayon ay inakusahan naman ni Pacquiao ang Department of Energy dahil umano sa isang partikular na market operation na aniya iniimbestigahan na at bukas naman umano ang ahensya rito.
Ngunit sinabi ni Cusi na hindi tamang basta na lamang mag-akusa ang senador nang hindi malinaw at umalis na lamang ng bansa.
Mababatid na sa ngayon ay nasa US si Pacquaio para paghandaan ang laban nila ni Errol Spence sa August.