Dapat mag-formulate ng contigency plan ang Department of Energy (DOE) sakaling madiskaril o magkaproblema sa supply ng langis.
Ito ang naging panawagan ni senate committee on energy chairman senator Win Gatchalian sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Bukod dito, nanawagan si Gatchalian para sa pantawid pasada para sa ating public utility drivers.
Dapat anyang palawigin ang pantawid pasada sa mga food transporters kung saan ipapamahagi ang ayuda sa pamamagitan ng e-wallets.
Bukod dito, nanawagan din si Gatchalian na masusing i-monitor ang presyo ng langis kung saan inaasahang tataas pa ang presyo nito sa mga susunod na linggo.
Baka anya kailanganin na isuspinde ang excise tax bilang huling hakbang sakaling magpatuloy pa ang matinding pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.—mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)