Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na tignan at pag-aralan ang mga ginagawang pagtataas ng presyo ng mga kumpaniya ng langis sa bansa.
Aniya, wala pang isang linggo ang nangyaring pag atake sa 2 oil plants sa Saudi Arabia kaya hindi pa dapat tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Paglilinaw naman ng Senador, mayroon pang ibang mga dahilan kung bakit nagtataas ang presyo lalo na sa world market.
Hiniling din ni Gatchalian na pairalin ng ahensya ang kanilang otoridad sa mga kumpanya ng langis para mamonitor ang paggalaw ng presyo.
Matatandaang nakaambang tumaas ang presyo ng gasolina at diesel bukas, Setyembre 24.