Kinakailangang maglatag ng plano ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) para maiwasan ang power outages sa nakatakdang malampaya maintenance shutdown sa Oktubre.
Ito ang iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, matapos ang nangyaring sitwasyon nuong 2013 kung saan nagsabay sabay tumigil ang operasyon ng mga power plants na nagresulta sa power hike.
Ayon kay Zarate, nuong nakaraang taon pa inabisuhan umano ng malampaya consortium ang DOE sa preventive maintenance schedule ng gas field ngunit hanggang ngayon ay walang kongkretong plano ang ahensya para maiwasan ang madalas na brownouts.
Dagdag ni Zarate, posibleng mag-overlap o magkasabay sa timeframe ng malampaya shutdown ang pagpapaliban ng maintenance activities.
Inaasahan naman ni Zarate na gagawan ng aksyon ng DOE at ERC ang naturang panawagan upang hindi na muling danasin ng consumers lalo na’t nakararanas ng COVID-19 pandemic ang bansa.
Samantala, nakaambang na magskedule ng shutdown ang Malampaya mula a-2 ng Oktubre hanggang a-22.