Tila kumambiyo ang Department of Energy (DOE) sa naunang pagtiyak na walang magaganap na brownout sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Energy Secretary Zenaida Monsada, hindi kontrolado ng gobyerno ang mga planta ng kuryente na posibleng mag-emergency shutdown bagamat ginagawa nila aniya ang lahat para maging brownout free ang eleksyon.
Sinabi ni Monsada na mayroon namang sapat na power supply ang Luzon Grid at gumagana ang Malaya Thermal Power Plant kapag nag-shutdown o bumagsak ang isang planta.
Kasabay nito, ipinabatid ni Monsada na plano nilang makipagpulong sa mga may-ari ng mall para isulong na gamitin muna ang kanilang generator sets sa eleksyon para magkaroon ng sapat na supply ng kuryente sa polling precincts.
By Judith Larino