P97-M budget ang inihirit ng Department of Energy (DOE) para magsagawa ng pagsasaliksik sa pag gamit ng nuclear power bilang energy source.
Ito ang inamin ni Enegry Secretary Alfonso Cusi sa isinagawang budget hearing ng DOE para sa susunod na taon.
Paglilinaw ni Cusi, wala pang approval ng Pangulo ang pag gamit ng nuclear power ngunit ang magiging pagkilos ng DOE ay paghahanap ng alternatibong energy source para sa bansa.
Kinontra naman ito ni Senador Sherwin Gatchalian dahil malinaw na wala pang desisyon dito ang Pangulo.
Paliwanag naman ni Cusi, mahalagang mayroon nang maisagawang research sa ngayon bilang paghahanda sa hinaharap.