Nababahala ang Department of Energy o DOE sa stability o katatagan ng supply ng langis ngayong taon partikular na sa election period.
Ayon kay DOE Secretary Zenaida Monsada, bagama’t unpredictable ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay tiyak umanong tataas ang presyo nito sa Pilipinas bunsod ng election-related activities.
Sinabi ni Monsada na madalas bumibiyahe ang mga kandidato sa panahon ng halalan na kokonsumo ng maraming produktong petrolyo.
Wala namang nakikita si Monsada na problema sa power supply kaya’t kumpiyansa itong magiging ‘stable’ ito sa eleksiyon.
Kinumpirma rin ng DOE Official na lilikha ang ahensya ng isang task force na tutugon sa iba’t ibang isyu na may kinalaman sa nalalapit na may 3, 2016 elections.
By: Jelbert Perdez