Ipinag-utos ng Department of Energy (DOE) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga mahahalagang produktong petrolyo tulad ng lpg at kerosene sa loob ng 15 araw.
Ayon sa DOE, sakop nito ang mga lungsod at probinsiyang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pagkalat ng o coronavirus disease (COVID-19).
Sa ilalim anila ng price freeze, ipatutupad ang mga rollback sa presyo ng ilang mga produktong petrolyo pero mahigpit na ipagbabawal ang pagtataas sa presyo.
Kabilang sa mga nag-deklara na ng state of calamity dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Quezon, Las Piñas, San Juan, Manila, Pasay, Parañaque, lalawigan ng Cavite, Negros Oriental, Cebu City at Iligan City.