Kampante ang Department of Energy na mareresolba ang problema sa supply ng kuryente pagsapit ng tag-init, lalo sa luzon.
Gayunman, aminado si DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella na kabado sila dahil kailangang ilatag ang lahat ng agarang solusyon sa bawat scenario upang maiwasan ang malawakang blackout sa tag-init.
Ngayon lamang Disyembre, ilang beses nakaranas ng yellow alert o pagnipis ng supply ng kuryente ang Luzon at Visayas grids dahil sa pagpalya ng mga power plant.
Kamakailan ay sinuspinde ng San Miguel Corporation ang kanilang power supply agreement (PSA) para sa 670 megawatt supply sa Meralco kaya’t napilitan ang naturang power distributor na bumili ng mas mahal sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) .
Samantala, pumirma na ang Meralco at isa sa mga planta ng Aboitiz Power Corporation ng emergency power supply agreement subalit para sa 300 megawatts lamang habang ang nalalabing 370 megawatts ay magmumula pa rin sa WESM.
Nilinaw ni Atty. Ronald Valles, head ng Meralco regulatory Management Office na kung hindi nila hahatiin sa pagitan ng Aboitiz at WESM ang 670 megawatts ay lalong tataas ang singil sa kuryente na tiyak papasinin ng mga consumer.