Posibleng mapabilis ang muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon sa Department of Energy (DOE) ay dahil sa pabor nakararaming Pilipino sa muling pagbuhay ng nasabing pasilidad batay sa paunang survey na kanilang ginawa.
Ayon kay Energy Asst/Sec. Gerardo Erguiza, hindi aniya imposible ito lalo’t kilala si Pangulong Duterte na may political will upang mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino.
Magugunitang ipinag-utos ng Pangulo sa DOE na magkasa ng public consultations sa mga residente ng Bataan sa muling pagbuhay ng nasabing planta.
Ang Bataan Nuclear Powerplant ang kauna-unahang nuclear power station sa bansa na ipinatayo ng noo’y Pangulong Ferdinand Marcos na nagkakahalaga ng $2-B.