Gaganapin na ngayong araw, Marso 26 ang ‘Earth Hour’.
Ito ang pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras, mula alas-otso y medya hanggang alas-nuwebe y medya ng gabi.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, tulong ang gawaing ito para sa efficiency at conservation efforts sa hinaharap.
Bilang nangunguna sa implementing agency ng Efficiency and Conservation Act, patuloy ginagawa ng ahensiya na mabawasan ang energy consumption at tugunan ang mga isyung pangkalikasan.
Ang DOE ay advocate pa rin ng Earth Hour campaign, na pinangungunahan ng World Wide Fund for Nature-Philippines. - sa panulatn i Abby Malanday