Inihayag ng Department of Energy (DOE) na naghahanap na ng solusyon ang kanilang ahensya para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng langis sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na humiling na sila sa mga kumpaniya ng langis na magbigay ng diskwento sa mga consumer.
Bukod pa diyan nagbigay nadin sila ng ayuda o fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka na apektado ng walang puknat na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Erguiza na inirekumenda na din nila sa kongreso na suspindehin ang Excise Tax sa petrolyo pero tinutulan umano ito ng Department of Finance (DOF) dahil may posibilidad na makinabang pati ang mga mayayaman.
Samantala, iginiit naman ni Erguiza na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
Bukod pa dito, malaking tulong din ang pagsama ng Bataan Nuclear Power Plant bilang pinagkukunan ng energy na makakatulong sa pagpapababa ng presyo sa kuryente dahil sa mataas na presyo ng langis.