Pinaalalahanan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid ng kuryente kahit tag-ulan na.
Ayon kay DOE Director Patrick Aquino, ito ay dahil inaasahan nila na makatitipid sa pagkonsumo ng kuryente ang sambahayan dahil mababawasan ang paggamit ng ilang appliances tulad ng aircon at electric fan.
Patunay din aniya ito na malaki ang naitulong ng publiko nitong tag-init dahil sa wais na paggamit ng enerhiya.
Samantala, ilan sa tips na ibinahagi ni Aquino ay ang parating paglilinis ng aircon at electric fan at pagtanggal nito sa saksakan kung hindi naman gagamitin.