Nanawagan na si Energy Secretary Alfonso Cusi kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na i-reactivate ang DOE-DOJ Task Force at silipin ang kuwestyonable umanong presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Cusi, ang sunud-sunod na oil price increase ang batayan para sa agarang reactivation ng DOE-DOJ Task Force.
Dapat anyang pagsamahin ang technical expertise ng Department of Energy kapangyarihan ng Department of Justice sa paglalatag ng mga posibleng kaso.
Sa ilalim ng task force, tungkulin nitong imbestigahan at kasuhan ang sinumang mapapatunayang lumabag sa Republic Act 8479 o Oil Deregulation Act of 1998 partikular ang mga probisyon sa cartelization at predatory pricing.