Pinaghahanap na ng gobyerno ang iba’t ibang ahensya partikular ang Department of Energy ng mapagkukunan ng supply ng langis.
Kasunod na rin ito ng pag atake sa dalawang oil facilities ng Saudi Arabia na pangunahing pinagkukunan ng langis.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag nakapagsumite na ang DOE ng proposal, maaaring maglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang nasabing problema.
Una nang inihayag ng Department of Finance na stable pa naman ang supply ng langis sa bansa.