Pinaiimbestigahan ng Department Of Energy o DOE sa Energy Regulatory Commission o ERC ang pagbagsak ng ilang planta ng kuryente dahilan para isailalim sa ang Luzon grid sa red alert status.
Matapos kasing masira ang planta o GMEC coal-fired power plant 2 unit, inilagay sa red alert status ang Luzon grid mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Sinabi ng DOE na maaari rin na pairalin ng ERC ang kanilang “regulatory functions” upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente.
Habang pwedeng ipatupad naman ang manual load dropping o pagputol ng suplay ng kuryente ng National Grid Corportaion of the Philippines o NGCP sa ilang bahagi ng Luzon para mapanatili ang katatagan ng power system.
Ang NGCP ang operator ng Luzon grid.