Pinakilos ng Department of Energy o DOE ang Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) para tulungan ang gobyerno na pawiin ang pangamba ng mga consumer hinggil sa mataas na presyo ng oil products.
Sa kanyang direktiba binigyan ng kapangyarihan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang PNOC-EC na mag-angkat at magbenta ng mas murang petroleum products mula sa Russia at mga bansang hindi kabilang sa Organization of the Petroleum Exporting Countries para sa mas mababang presyo rin ng oil products.
Layon aniya ng nasabing hakbang na tugunan ang sitwasyon ngayon sa oil price gayundin ang bumuo ng strategic petroleum reserve lalo na’t hindi maayos ang estado ng presyo nito sa world market.
Sa kasalukuyan aniya ay umiiral ang kautusan ng DOE sa oil companies na panatilihin ang minimum inventory requirement sa stock ng kanilang krudo sa loob ng 30 araw at tig-pitong araw sa importers at mga negosyante ng LPG.
—-