Inalerto ng Department of Energy (DOE) ang mga kinauukulang opisyal na maging handa at makipag-ugnayan para matiyak ang maayos na storage ng mga bakuna sa gitna ng posibleng maranasang brownout.
Ito’y matapos na magkasunod na araw na isailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa alert status.
Sinabi ni DOE Undersecretary William Fuentebella, dapat ay tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng local at national officials sa Inter-Agency Task Force (IATF) para masigurong protektado ang storage facilities ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Suhestiyon ng DOE, mas makabubuting magkaroon ng tripleng backup system kabilang ang backup sa NGCP, sa distribution utility at lokasyon ng storage facilities ng mga bakuna.
Sa pamamagitan aniya nito ay matitiyak na magiging maayos anuman ang maging sitwasyon.