Pinawi ng Department of Energy (DOE) ang pangamba ng publiko hinggil sa nakikitang kakulangan sa suplay ng kuryente.
Ayon sa DOE, wala silang nakikitang problema sa suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init maging sa papalapit na 2022 National and Local elections.
Sa naging pahayag ni Director Mario Marasigan ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), walang nakataas na yellow warning ngayon o ang pagnipis ng suplay ng kuryente.
Iginiit ni Marasigan, na walang magaganap na rotational brownouts o pagkaantala sa suplay ng kuryente dahil patuloy na binabantayan ng kanilang ahensya ang kalagayan ng kuryente upang mapaghandaan ang posibleng kakapusan ng suplay ng kuryente sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero