Pinayuhan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang publiko partikular na ang mga motorista na magtipid sa gas at kung maari ay iwasan muna ang pagbiyahe sa gitna ng sunod-sunod na taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang kahapon, inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang ika-10 sunod na linggong taas presyo o ang malakihang oil price increase dahil sa pagtaas ng presyo nito sa world market at nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Cusi, dapat kontrolin ang paggamit ng sasakyan at nasa kamay na ng publiko ang desisyon kung papaano makakatipid sa gastusin.
Bukod kasi sa langis, ay nagtaas narin ang ilang pangunahing bilihin kabilang na ang karne, isda, gulay at iba pang sangkap sa pagluluto.
Sa ngayon nasa P5.85 centavos kada litro ang nadagdag sa presyo ng Diesel, habang P3.60 centavos naman ang kada litro ng Gasolina, at P4.10 centavos naman ang kada litro ng Kerosene.
Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng problema sa suplay ng fuel products sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero